Only HOPE
Ako si Francesca Mari Alvarez. Ang pinakamayaman, pinaka maganda, pinaka matalino, pinaka talentado at pinakasikat NOON. Nagising nalang ako isang araw, wala na ang kinagisnan kong buhayBukod dyan, wala na kong matakbuhang kaibigan. Lahat sila umaayaw na sakin dahil hindi na daw ako BELONG sa kanila. MAHIRAP na ako at hindi na nababagay sa mga MAYAYAMANG tulad nila.Wala na ang mommy ko. Hindi ko alam kung nasan na sya ngayon. Iniwan nalang nya ako magisa. Bigla nalang syang nawala. Pero pipilitin ko syang hanapin. Hahanapin ko sya hanggang sa Makita ko sya at maibalik ang buhay na nawala samin. Paano ko nga ba ako magsisimula ulit kung nasanay ako na lahat ng gusto ko, nakukuha ko ng walang hirap. Paano nga ba? Paano na ko magaaral? Paano na ko mabubuhay? Saan ako titira? Saan na ko pupunta? Kung ang tanging meron nalang ako ngayon ay talent, talino at kagandahan? Para saan pa kung maghihirap lang naman ako ng ganito? Paano na ko? sabihin nyo nga sakin, paano na ko mabubuhay ngayon?